Siguro ito ang librong maihahalintulad sa mga ginawa ni Bob Ong, nakakatuwa ngunit makikita mo ang katotohanan sa likod ng bawat linyang iyong mababasa. Puno ng kalokohan ngunit kung iisipin at papansinin may kabuluhan.
Sa librong ito mababasa mo ang iba’t-ibang pangyayari o ginagawa nating mga Pilipino, kwentong bahay, kwentong kalye, kwentong estudyante, at kung ano-ano pa. Isang librong puno ng kakatawanan na kapupulutan ng aral.
Masasabi kong natutuwa ako sa aking kaibigan at kapatid na maituturing para ibahagi sa akin ang librong tulad nito.
© All rights reserved
March 30, 2013
AmaterasuMhe