Opinyon lang. (An opinion)

Published November 14, 2012 by nomdeplume21

Sinusulat ko ito para ibigay ang aking opinyon sa nangyari o video na nangyari sa LRT Station o mas kilala sa Amalayer:

Para sa akin bilang psychology student, di tayo dapat manghusga sa isang tao. Bakit? Kasi hindi naman natin alam kung ano ba talaga iyong totoong nangyari kaya hindi natin alam kung bakit ganoon nalang ang naging reaksyon ni ate. Tsaka hindi rin naman natin alam kung ano ba talaga iyong ugali niya, may iba kasi na dahil sa may pinagdaraanan siyang problema kaya sa ibang tao niya nabubunton iyong galit niya. Kumbaga, kung may isang tao man na mag-trigger nun, doon niya nabubunton ang lahat.

Pangalawa, naniniwala ako na laging may tama at mali sa punto ng bawat taong nag-aaway. Maaaring may nagawa nga si Ate Guard na hindi naman na-videohan. Maaaring may nagawa iyong guard na ikinagalit ni Ate. At mapapansin din natin na may mali si Ate dahil di naman mainam na sigawan mong iyong guard.
Bilang estudyante, naniniwala rin ako na kung may pinag-aralan ka o sabihin na nating bilang tao dapat marunong din tayong kontrolin ang ating mga sarili. I mean, may tamang proseso naman para sa ating mga reklamo o problema though minsan na nababalewala lang iyong mga iyon pero di ba bilang edukado/edukada alam dapat nating i-lugar ang ating mga sarili. Maaari naman yatang maayos iyon sa isang mahinahon na pag-uusap.

Pangatlo, naniniwala rin ako na tayong mga tao ay dapat matuto rin sa prinsipyong pag-unawa sa kapwa at pagpapakumbaba. Sabi nga nila. “Hindi maitatama ang mali ng isa pang mali.” Anong point ko rito? Simple lang naman, alam mo ng mali siya mas mainam ng patawarin mo nalang siya at sabihin sa kanya iyong mga bagay na nagawa niyang mali at dapat hindi na niya maulit lalo na sa iba pang tao. We should learn to understand each other at dapat di tayo mabilis na nadadala ng emosyon.

Wala akong kinakampihan sa nangyari, ang sa akin lang mali ang husgahan agad ang isang bagay na nakikita mo ng hindi mo man lang alam ang buong pangyayari.🙂

© All rights reserved

November 14, 2012

AmaterasuMhe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: